188 - Ako'y sa Iyo, Pangino'ng Mahal

Ako'y sa Iyo, Pangino'ng mahal,
Tinig Mo'y napakinggan,
Ito sa akin ay nagsalaylay
Ng Pag-ibig Mong tunay.

REFRAIN

Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.

Ngayo'y italaga sa gawain
Akong abang alipin;
Sa pag-asa ako'y patibayin
At loob ko'y supilin.

REFRAIN

Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.

Ang bawa't oras sa'Yong harapan
Lugod ang kinakamtan,
Pag Ikaw ay dinalanginan
Na bilang kaibigan!

REFRAIN

Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.

May mga malalim na pag-ibig
na hindi ko malirip;
May katuwang di ko masapit
Hanggang sa'Yo'y maidlip.

REFRAIN

Ilapit Mo ako, O Jesus,
Sa pinanawan Mong krus;
Ilapit Mo ako, ako, O Jesus,
Sa dugo Mong nabuhos.

0:00 0:00